#FDAT86 April 3, 2025
Sa loob ng mahigit walong dekada, naging boses ng katotohanan at saksi ng kasaysayan ang Forum-Dimensions, hindi lamang sa loob ng mga pader ng Unibersidad kundi pati na rin sa mas malawak na lipunan.
Mula sa pagsisikap ng aming mga naunang henerasyon na ipaglaban ang karapatang maglathala, hanggang sa patuloy na pagbuhay sa mga prinsipyong kritikal, mapanuri, at makabayan, hindi kailanman namin tinalikuran ang laban para sa isang malaya at makabuluhang midya.
Bagama't maraming nagtangka—at patuloy na nagtatangkang—supilin, patahimikin, o dungisan ang pangalan ng Pahayagan, nananatili itong tapat sa adhikain na makisangkot, magsiwalat, at magmulat.
Lahat ng ito ay higit pa sa mga parangal at tropeyo. Mas mahalaga sa amin ang makilala bilang mga estudyanteng-mamamahayag na tumitindig at naglilingkod para sa masang Pilipino.
Bilang paggunita sa ika-86 na anibersaryo ng Pahayagan, amin ding inaanyayahan ang lahat ng mga naging alumni nito na mag-fill out ng impormasyon sa Forum-Dimensions Alumni Directory upang maging bahagi ng aming patuloy na ugnayan at pagdiriwang.
Maaaring i-access ang directory sa link na ito: https://tinyurl.com/56z94vtc
Para sa mga naging bahagi ng aming kwento, pangakong lalo pa naming pagtitibayin at isasabuhay ang matapang at mapagpalayang pamamahayag.